Posts Tagged ‘Le Petit Prince’

photo credit: Tanghalang Pilipino FB page

                                                photo credit: Tanghalang Pilipino FB page

Marahil pamilyar na sa atin ang kanyang kuwento: isang munting prinsipe na galing sa isang munting planeta kapiling ng kanyang tatlong bulkan na palagi niyang nililinisan at isang rosas na palagi niyang dinidiligan.  At sa kaniyang paglisan sa tinitirhang planeta, napadpad ang munting prinsipe sa iba’t ibang planeta at nakilala ang mga nilalang na nagturo sa kanya na ang tanging puso lamang ang makauunawa sa mga dapat pahalagahan sa ilalim ng bukas na kalangitan.

Ngayong Nobyembre, inihahandog ng Tanghalang Pilipino ang isang pagtatanghal na inihalaw ni Layeta Bucoy sa klasikong libro ni Antoine de Saint-Exupéry: La Petit Prince (The Little Prince). Ang paglalahad na may halong musika, shadow play at puppetry ang tiyak na makapagbibigay aliw sa mga manonood, lalu na sa mga kabataan.

1500991_394715787361473_3019136179216630939_o

Salubungin natin ang paglapag ni Prinsipe Munti simula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 7! Narito ang mga performance dates:

November 27 Thursday 10AM
November 27 Thursday 2PM
November 27 Thursday 6PM
November 28 Friday 10AM
November 28 Friday 2PM
November 28 Friday 6PM
November 29 Saturday 10AM
November 29 Saturday 2PM
November 29 Saturday 6PM
December 5 Friday 10AM
December 5 Friday 2PM

Para sa karagdagang impormasyon at update, bisitahin lamang ang FB page ng Tanghalang Pilipino.

Tara na at kilalanin pa natin nang mabuti si Prinsipe Munti!